Monday, August 23, 2010

[Series] My Girlfriend's Brother 1

Kaya ko pa! Iyan ang sabi ko sa sarili ko. Mali itong nararamdaman ko at hindi ko pwedeng gawin 'to. Mahal ko ang girlfriend ko pero naaakit ako sa kapatid nya. Sa kapatid nyang lalake.

I met her, Shirly the girl who I promised to marry someday when I have enough to show her I can become a deserving husband to her. I love her, she was my first and will probably my last. But something happened. I fell in love with another... her brother.

Nakilala ko sya not longer than 5 years ago. I courted her for months and finally, sa dami ng nanliligaw sa kanya e ako ang napili nya. Nagkamali kaya sya nang ako ang piliin nya? Sabi pa nya sa aki maswerte daw ako dahil sa dami daw ng nanligaw sa kanya ako ang napili. Sa ilang beses ku na pagdalaw ko sa bahay nila e nakakasalamuha ko rin ang pamilya nya lalo na ang kapatid nyang lalake na si Toni. Medyo suplado kasi kaya hindi kami ganoon ka close pero sya lagi nakakausap ko sa bahay nila. Minsan kapag ginagabi ako sa kanila ay hindi na ako nakakauwi at duon na ako natutulog sa kanila. Kadalasan e katabi ko kong matulog si Toni. Minsan napagmamasdan ko habang tulog si Toni at di ko  mapigilang tignan ang maamo nyang mukha kapag sya ay natutulog. Minsan gusto ko syang hawakan pero baka magising sya at kung ano ang isipin nya sa akin. Ngayon ay mas pipiliin ko pang hindi pumunta sa kanila dahil sa tuwing nakikita ko si Toni e naatakot ako para sa sarili ko. Tama ba ang naging desisyon ng girlfriend ko na ako ang napili nya? Lihim akong humahanga sa kapatid nya ayokong sabihin sa kanya ito dahil natatakot akong mawala sya sakin. Sa ngayon e pinipigilan ko ang sarili kong magkamali. Ayokong mawala silang pareho kaya as much as kaya ko pa e pipigilan ko itong kung ano mang halimaw ang nasa loob ko.

Naisipan kong isulat ito dito dahil wala na akong maisip na malalabasan ng nararamdaman ko. Wala akong pinagsasabihang iba dahil ayokong husgahan nila ako. Sa sitwasyon ko matatawag na ba akong bakla? o baka may pinagdadaanan lang ako at lilipas lang ito?

===================
You can also try Bakasyon ni Kenneth 1 or proceed to My Girlfriend's Brother 2.

Ano ito.

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Ano nga ba ang pag-ibig? Natanong ko ito sa kadahilanang marami ang pwedeng maging definition nito mostly present ito sa mga slumnotes noong tayo ay bata pa. Doon ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pag-ibig. Ang masaklap; hindi lahat ng pag-ibig ay kaibig-ibig. Minsan kahit na iisa ang nararamdaman at gaano man ito katotoo at wagas ay hindi maaari. Pero kahit ganito kagaya ng isang damong ligaw na kung saan saan tumutubo na kahit sa ilalim ng mababagsik na klima ay nananatili itong buhay. Ako po si Dim Illustria, at ito ang aking tahanan. Tuloy po kayo.