Posts

Showing posts from March, 2011

[One Shot] Anthony's Unexpected Guest

Image
It was around 7:30 na ng gabi ng marecieve ko ang ang text ni Marco. "Anthony may pasok ka ba ngayon?" Ayokong magpaistorbo dahil day off ko nga at mas gugustuhin ko pa ang itulog ang rest day ko kesa gumala at gumastos. "Rest day ko ngayon pare, kung magyayaya kang lumabas pass na muna ako." iyon ang reply ko. Ang mokong hindi talaga papipigil; "Its okey pare, kung hindi  ka makakaalis dyan e yung party mismo ang dadalhin ko sa bahay mo." Gusto ko man syang pigilan e huli na ang lahat, nakapag-isip na ng dahilan ang mokong  para maglaseng at this time sa bahay ko pa. Matagal ko nang kaibigan si Marco at kapag iniukol nya ang isip nya sa isang bagay wala ka nang magagawa kung hindi sumang-ayon dito kung hindi ay mangungulit sya to the point na ikaw na mismo ang susuko. 8:00 pm sharp may kumakatok na sa pintuan. Malamang si Marco na iyon saktong katatapos ko lang kumain ng hapunan ko. Pagbukas ko ng pinto ay binati kaagad ako ng ngiti ni Marco a

[Series] Bakasyon ni Kenneth 4

Image
At muli nga ay nangyari ang hindi dapat. Kanina lamang ay pinipilit ni Kenneth na walang patutunguhan ang damdamin nya para sa kaibigan. Pinipilit na iwaksi sa puso ang pagmamahal na hindi nararapat.Pero ngayon sya ay nahulog uli sa patibong ng pag-ibig. Nawala na sa kanyang isipan ang paglaban sa nararamdaman dahil sa ngayon kaniig nya ang taong pilit kinakalimutan. "Sabihin mo lang na mahal mo rin ako Bobet..." alok nya, "... sisiguraduhin kong hindi kita bibiguin." Hindi parin sumagot si Bobet. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kenneth, mula sa ligaya ay napalitan ito ng pagkabigo, marahil ay talagang walang nararamdaman para sa kanya ang kaibigan. Itinigil nito ang paghalik at tumalikod. "Ok ka na naman siguro..." kinuha nito ang nabasang kumot at ipinahid sa mukha, "... akona ang maglalagay nito sa labahan. Kaya mo na sigurong palitan yang nabasa mong damit. Magbihis ka na baka magkasipon ka pa". "Pasensya ka na Kenneth..."

[Series] Bakasyon ni Kenneth 3

Image
Hindi sumagot si Bobet sa nasabi ng kaibigan. Ngumiti lang ito at tumayo sabay buhos ng tubig sa pawisang katawan ni Kenneth. "Ano maliligo ka ba o hindi?" wika ni Bobet. Iniabot nito ang kanyang kamay para makatayo ang kaibigan. = = = = = * * * = = = = = Nang gabing iyon ay kakausapin sana ni Kenneth si Bobet. Hindi parin maalis sa isipan nya ang ginawa nilang dalawa kanina sa paliguan. Binuksan ni Kenneth ang pintuan ng kanilang kwarto at doon ay naabutan nya si Bobet kasama ang kanyang nobya. "Ay, sorry nakakaistorbo yata ako." pakumbaba ni Kenneth. "Mukhang kailangan ninyong dalawa ng privacy." Hindi na nagsalita si Bobet, halatang naiilang ito sa kanya. Bumalik palabas ng kwarto si Kenneth at dahan-dahang sinara ang pintuan. Pagkasara ay napasandal sa pintuan si Kenneth pinilit nyang pigilan ang luha sa kanyang mga mata. Nasaktan siya sa kanyang nakita. Alam nyang kahit kailan ay wala syang karapatang magkaganoon kaya humakbang sya ng dahan