Monday, July 30, 2012

[Series] Bakasyon ni Kenneth: One Year After 4 Si Manny

"Tahan na." nilapitan ko si Bobet at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Ayokong nakikita kang umiiyak."

"Kenneth." hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi. "Wala ka man lang bang sasabihin. Mahal kita."

Hindi ko sya masagot. Sa halip ay inilapit ko ang aking labi sa kanya at hindi n'ya ako binigo at sinalubong ng init ng kanyang labi ang labi ko.

Isang madiin at mainit na halit iyon na puno ng makamundong pagnanasa. Pagnanasang nabuo sa pamamagitan ng pagtago ng nararamdaman sa mahabang panahon. Naramdaman ko na lamang ang panginigig ng aking hita. Ang aking cellphone ay nagbavibrate. Nabuwag ang aming halikan at tinignan ko ang aking cellphone, si Manny tumatawag.

"Hello?" pambungad ko sa cellphone.

"Nakakaistorbo ba ako sa lovebirds?" pangungutya ni Manny, "Ingat ka lang ha, ayokong nasasaktan ka."

"Magsama nga kayo nitong si Bobet." sabi ko. Pilit namang nililihis ni Bobet ang pag-uusap namin ni Manny, sinesenyasan akong tapusin na ito.

"So kasama mo nga s'ya ngayon." wika ni Manny. "Sana kahit nandyan na si Bobet sa tabi mo, h'wag mong kalimutan ang pinangako mo sa akin."

"Oo naman, di ko nakakalimutan iyon." nagsinungaling ako, sadyang napakasarap ng halik ni Bobet na nakalimutan ko ang pangako ko kay Manny.

5 Months ago...

Si Manny ang taong pinakamalapit sa akin sa school. Mestiso pero average ang hitsura ni Manny hindi gwapo pero mas lalong hindi pangit. 5'6" ang kanyang height at mahilig itong magchess. Loner kagaya ko noong una itong si Manny, sa katunayan nung una kong kita sa kanya ay naglalaro ito ng chess mag-isa kalaban nya ang kanyang sariling pscyche, wierdo. Kahit ganoon pa man maraming babaeng nahuhumaling kay Manny, pag tinitigan mo naman kasi sya ng matagal ay mahuhulog ka sa lalim ng pagkatao ng taong ito.

Sa detention pagkatapos ng klase namin una kong nakilala itong si Manny. Dahil pareho kaming hindi ginawa ang proyekto namin noon sa Sibika ay isang oras kaming nakakulong sa room namin kasama ang aming advisor na gumagawa ng lesson plan. As usual nagchechess mag-isa itong si Manny at ako naman ay nabuburyo na at walang magawa.

"Mate!" Narinig kong sinabi ni Manny.

"Valencia?" tawag ko kanya.

Napalingon ito sa akin na may mukhang poker face at bumalik sa pagtingin nito sa kanyang laro. Pinagmasdan ko ang kanyang laro. Nanganganib ang White King na nasa e4 nanganganib mula sa Black Knight sa d2. Ginalaw ko ang White Bishop mula sa h6 patungo sa nakaambang na Black Knight at ang kanyang Black King noon ay nasa b4. "Mate!" ang sabi ko.

Doon nagsimula ang samahan namin ni Manny Valencia. Simula noon ay naging chess at study buddies kami at hindi nagtagal ay naging matalik kaming magkaibigan. Dahil sa hinanakit ko noon kay Bobet ay napagbuntungan ko noon ng sama ng loob si Manny. Naikwento ko ang lahat ng nangyari sa akin sa bakasyon ko noon kina Bobet. I've never been more honest to a person before, even to my parents. Naintindihan naman ito ni Manny dahil laki ito sa tatay na bisexual. Hiwalay sa asawa at may kinakasamang babaeng mas matanda rito.

Bata pa lamang ay tinuruan nang maging open sa ganitong bagay si Manny at respetuhin ang preference ng tao sa gender. Laking pasalamat ko at ganito ang napunta sa aking kaibigan. Open minded at hindi judgemental. Imbis na pagtawanan ako ay niyakap n'ya akot pinatahan habang mangiyak ngiyak kong kinwento ang aking karanasan at kung gaano ako nasaktan.

Alam nya ang aking paghihirap dahil ang mga ito ay nangyari din sa kanyang ama na noon ay may kinakasamang lalake bago nito makilala ang kinankasamang babae nito ngayun. Sa piling ng lalakeng ito nakita niya ang pagpapasakit ng mga lalake sa mga myembro ng 3rd sex kaya ganuon na lamang ang kanyang pagkahabag sa aking kwento.

Dahil sa curiousity ay tinanong ko ang preference nito sa sex pero talagang masikreto itong si Manny at tanging ngiti lamang ang ibinabalik nito sa akin kapag naitatanong ko ito sa kanya. Hindi ko nakikitang naaakit ito sa babae at pati na rin sa lalaki. He's so mysterious pagdating sa mga ganitong bagay.

Prom night namin iyon kahit ayoko mang umattend ay wala akong magawa dahil kasama ako sa organinzinng committee ng school at inatasan ako ng teacher namin na maglead ngn prayer noon. Kaya no choice at pumunta na lamang ako. Binalak kong umalis pagkatapos na magpray pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Sa auditorium ng school namin idinaos ang aming JS Prom. Suot ang barong na makati pa sa kagat ng lamok ay dumating ako ng 30 minutes earlier sa venue.

"Aga natin ah?" bati sa akin ni Manny na 3 hours daw earlier na dumating. "Bakit ganyan ang suot mo, para kang ibuburol?"

"Ewan ko ba naman Mommy ko at ito ang ipinasuot sa akin." sabi ko hanbang kinakamot ang aking leeg, "May magic daw to dahil ito ang suot ng tatay ko nung JS Prom nila, eventually sinayaw nya si Mommy noon at naging mag-on sila."

"Wow ang sweet." patawa nitong sinabi, "Kaya ka siguro nangangati dahit nilalanggam ka dahil sa suot mo, Dapat pala lumayo ako sayo baka langgamin din ako."

"Ok lang konting tiis lang at aalis din ako pagkatapos kong maglead sa prayer." sabi ko.

"Ay hindi ka magsestay hanggang matapos?" tanong nito.

"Sa tingin mo ba magsusurvive ako ng 5 oras suot to?" inis na sinabi ko.

At nagsimula na ang program proper at ginawa ko ang inatas sa akin, isang 10 minute prayer na binubuo ng pasasalamat sa poong may kapal kasama ng mga santong di ko mabilang. Please pray for us to the nth power. Pati si Mother Theresa ata ay isinama ko doon. Pagkababa ng stage ay nakaabang sa gilid si Manny.

"Aalis ka na ba?" tanong nito.

"Oo." sinagot ko sya na parang wala langn kamot kamot ang aking braso.

Pagkalagpas ko sa kanya ay naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa aking palad, pinigilan ako nitong umalis. Napalingon ako sa kanya, kumikislap ang mga mata nito. "H'wag muna, samahan mo muna ako." sinabi nito.

"O... Okey." Natigilan ako, for some reason ay nawala angn kati ng aking suot na barong.

Magkatabi kaming nakatayo sa gilid ng dancefloor ng ilang oras pinagmamasdan ang mga kaklase naming sumasayaw sa tunog ng Harana ng Parokya ni Edgar. Since piningilan ako ni Manny ay hindi nito inalis ang kamay nito sa pagkakahawak sa akin.

Itutuloy...



Tuesday, July 10, 2012

My Girlfriend's Brother: Another Encounter

I said its all over na. I've learned my lesson, I know. But then again there are times na my small span of attention is drawn towards you. And it begins again, the vicious cycle of my demise.

Just now everything is okey sa aming dalawa ni Toni. Hindi nqa nabubrought up ung issue naming dalawa kay Shirley, no biggie na kum baga. I don't sleep there anymore na rin for months na and paminsan minsan na lamang ako kung bumisita sa bahay nila Shirley ngayon dahil sa busy ako lately sa pagtatrabaho.

Everytime na nagkikita kami ni Toni ay cool lang. Aaminin ko kahit papaano ay meron akong nararamdaman pero not that much, at least hindi na gaya ng dati na parang tinutusok ng karayom ang dibdiib ko pag nariyan sya. I also found it hard to figure out kung paano ko sya nagustuhan all this time. I realized his flaws and his imperfections. that's when I thought na what I felt for him faded already.

It was until today. Since sira ang aking computer ay minabuti kong ipahiram ang aking pinakamamahal na monitor kay Toni. Mahal ko yung monitor kong yun, ewan ko ba but since nung una kong kita sa monitor na yun ay parang love at first sight. I felt so attached to it already.

Nagkasundo kaming kukunin nin Toni sa bahay namin ang monintor ko. Nag-chat kami sa facebook para iset up ung meeting namin dahil wala rin akong cellphone at ito ang pag-uusap namin:

Me: Ano kukunin mo na ung monitor sa friday?

Toni: Anung oras
   
Me: Ikaw?

Toni: Kaw nga di ko alam eh. kahit anung oras nmn

Me: agahan mo

Toni: ok

Me: Set up na natin ngayon wala akong phone ngayon mahirap na magkasalisi. Ganito na lang kita nalang tayo Friday sa MoA ng hapon. Saturday na ako pupunta sa inyo. Kaw na magdala ng monitor pauwi sa inyo. Mga 3pm sa may skating rink harap ng blue magic. Dun mo na lang ako hintayin.

[Walang sagot]

Me: Ok?

[After a few minuntes]

Me: Ano? Sabi mo kahit anong oras e

Toni: di sa sabado nlng. Pra sabay tau

Me: E? Maaga ako sa sabado at mangagaling ako office nun. Ung monitor nasa bahay pa. 'Kaw na lang sana pakukunin ko ng monitor e. ahe he he

[After a fewq minutes]

Me: Ano? kaya?

[Hindi sumagot si Toni]

Me: Anu ba, paalis na ako.

Toni: Maganda kasama kita pa uwi...


It took me a while to process what he just replied. It was until it hit me after he went online already. Somehow I felt happy inside. Again I'm raising my own personal hell, could it be na I'm delusional na. Ah basta what he said made me smile inside.

Ano ito.

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Ano nga ba ang pag-ibig? Natanong ko ito sa kadahilanang marami ang pwedeng maging definition nito mostly present ito sa mga slumnotes noong tayo ay bata pa. Doon ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pag-ibig. Ang masaklap; hindi lahat ng pag-ibig ay kaibig-ibig. Minsan kahit na iisa ang nararamdaman at gaano man ito katotoo at wagas ay hindi maaari. Pero kahit ganito kagaya ng isang damong ligaw na kung saan saan tumutubo na kahit sa ilalim ng mababagsik na klima ay nananatili itong buhay. Ako po si Dim Illustria, at ito ang aking tahanan. Tuloy po kayo.