Posts

Showing posts from 2016

The Outcast 1

Image
Lumaki si Julian sa pamilya ng kanyang mga tiyahin mula ng maulila ito matapos maaksidente ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ate na sanggang dikit nya ay nangibang bansa upang matustusan ang kanyang pag-aaral at pang-araw-araw na gastusin. Hindi nya kasundo ang mga kanyang mga pinsan at madalas n'ya itong makasagutan. Sa school naman ay wala itong kaibigan madalas itong mag-isa at hindi sumasali sa mga extra curricular activities. Matalino at malawak ang pang-unawa ni Julian. Ito rin ang nag-layo sa kanya mula sa mga tao sa paligid nya. Dati-rati ay wala itong takot na sinasabi ang nilalaman ng utak nya ngunit ngayon ay tikom nalang ang kanyang bibig dahil sa baka mamimisinterpret lang ito ng mga tao sa paligid nya. Tanging ang kanyang nakatatandang kapatid lamang ang nakakaintindi sa kanya. Pagtungtong nito ng kolehiyo ay naisipan ni Julian na umalis na mula sa pangangalaga ng kanyang mga tiyahin.  Habang nag-aaral ay namasukan s'ya bilang isang crew sa isang kilalan