[Series]Mga Kwento ni Jeremy Suarez 4: Feeding Program
"Marami ang namamatay sa maling akala." marahil alam na alam natin ang kasabihang ito. Hindi ko lubos akalain na ang maling akala, paminsan minsan, ay may maganda ring naidudulot. Ako nga pala si Jeremy Suares at ito ang isa sa mga kwento kong magpapainit at kikiliti sa inyo. Ang sumusunod na tagpo ay nangyari matapos ang graduation ko sa high school. Tahimik at hindi palakaibigan itong si Miguelito, tawagin na lang natin s'yang Miggy para madali. Isa s'yang transfer student na lumipat kalagitnaan ng 3rd year class namin at sa klase namin ito bumagsak. Hindi na kami naging magkaklase ng 4th year kami dahil lumipat ito sa local na private school sa amin na katapat lamang ng public school kung saan ako nag-aaral. Ang bali-balita kay Miggy ay galing ito sa isang mayamang ankan sa Maynila, ng mamatay ang lolo nito ay bumagsak ang kanilangn negosyo dahil sa mishandling ng mga magulang nito at dahil dito ay nabaon sa utang ang pamilya niya. Nagtago ang mga magulang at i...