[Series] Bakasyon Ni Kenneth: One Year After 5 The Promise


Pasensya na talaga at medyo matagal ang update. 
I have to caught myself up sa story ni Kenneth. After ilang years sa hiatus ay nasundan din ang kanyang kwento. Sana magustuhan po ninyo.

Sa isipan ko ay kung anu-ano ang pumapasok habang hawak ko ang kamay ni Manny. Ang init ng mga palad nito, hindi nakakapaso at somewhat comforting. I was at ease habang hawak n'ya ang aking kamay. Nawala ang anxiety ko sa mga oras na iyon. Hinigpitan ko ng kaunti ang aking pagkakahawak sa kamay ni Manny na may kasamang gigil, gusto ko ang nararamdaman ko ng panahong iyon. 

Naramdaman n'ya ito at imbis na bumitaw sa pagkakahawak ay mas lalong ding humigpit ang hawak ni Manny sa aking kamay. Lumingon ito at ngumiti, "Are you enjoying the night?"

"Ano ba ako dito? Emotional support mo?" wika ko na may pagkabagot. Dahil sa di gaanong maliwanag ay hindi pansin ng mga kaklase namin na magkahawak ang aming mga kamay. "Look, I should be home already kung hindi mo lang ako pinigilan."

"Oh , come on." inilapit nito ang kanyanh mukha sa akin "Just this one, you owe it to yourself na to have fun. Minsan lang dumating sa buhay natin ang prom."

That time allthough nararamdaman ko ang comfort ng company ni Manny ay hindi ko maalis sa isip ko si Bobet. I was with my friend Manny pero I want Bobet to be with me then.

"Haven't you forgotten him?" tanong ni Manny, "Mahirap talaga kalabanin ang firsy love."

"What?" naguguluhan ako sa sinabi ni Manny. "Anong pinagsasabi mo?"

"Look." Nabanaad ko sa hitsura ni Manny na seryoso ito at hindi nagbibiro. "I like you, and I though I've made it clear sayo pero it looks like the signs I've been giving were all for naught. Looks like I failed. Si Bobet parin ang mahal mo."

"I'm really sorry Manny." awa ang naramdaman ko kay Manny. Awa dahil kaibigan ko s'ya at dahil hindi ko kayang suklian ang nararamdaman n'ya para sa akin. I wanted to explode that time dahil naiinis ako sa sarili ko for the love that I have for Bobet. "I'm sorry because I can't give you back what you want. I'm stuck in the past but I want none of it. Kung alam mo lang, ayaw ko sa nararamdaman ko."

"It's fine." ngumiti lang ito, pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. "I"m happy as what we are, as friends, but I want you to promise me something."

"Ano yun?" tanong ko.

"That you won't let your feelings for him hurt you again." sabi ni Manny. "I've decided to wait for you Kenneth, until mawala yang love na nararamdaman mo for Bobey. If ever that happens I will be there and will try to win your heart."

Tumango lamang ako. Alam ko naman na kapakanan ko lamang ang iniisip ni Manny. Naintindihan ko din na hindi maganda ang nararamdaman ko para kay Bobet. Masaya ako na nagtapat sa akin si Manny at the same time malungkot ako dahil I can't return the favor. We manage to stay friends and a good one at that and all that time na nagkasama kami ay natutunan kong mahalin ang kaibigan kong si Manny. Slowly sa tingin ko ay nahuhulog na rin ako sa kanya, sa effort nya.

Back to the present...

"Mabuti naman." naririnig ko ang lungkot sa boses ni Manny sa telepono, "I want you to think about your actions habang kasama mo s'ya d'yan. If ever na you decide to fall for him I'll accept defeat naman. I only want what makes you happy after all."

"Alam ko naman yun Manny." I wanted to comfort Manny pero maging ako'y conflicted sa nararamdaman ko. A part of me wanted to give Bobet a chance. He wouldnt make an effort to go all the way here, samahan ako at umiyak sa harap ko para lang sabihinh mahal n'ya ako. A part of me naman can't fully trust if he's in it to commit at nagloloko lang. Also nand'yan pa yung feelings ko kay Manny. "Thank you Manny sa pagpapaalala. I know what I have to do for now."

Binaba ko ang aking phone and I turned to Bobet, "Bobet, salamat sa gabing ito but I need time to think on what I feel about you."

"Pero Ken..." he tries to cut me off.

"Bobet, I can't say that I can return the favor. A lot is going on in my mind now an I need to think. Please hayaan mo muna ako." iniwana ko ang mangiyak-ngiyak na si Bobet at dumiretso sa aking kwarto. Nilock ko ang aking pinto at humiga sa aking kama. Inisip kong mabuti ang susunod kong gagawin ngunit ayaw makisama ng utak ko. To much is going on to make something up out of this chaos kaya minabuti ko na lamang matulog.

Nanumbalik sa akin ang promise ko sa kanya when he called tonight. I can't let what I feel for Bobet hurt me again. I have to remain calm and stay strong. 

With all my might I must resist him. 

I must resist Bobet while he is with me.

Itutuloy

Comments

  1. Kailan po next story?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka this coming weekend po. Wala pa kasi akong idea how to continue. Just bare with me po. Reach out po kayo sa akin sa twitter @Dillustria

      Delete
  2. Nasaan na po yung next part nito? Kelan nyo po ipopost yung next part nito? I am so excited to read the continuation of this story. Thank you

    ReplyDelete
    Replies
    1. Soon po. Mahina ang kalaban. Ahahaha wala pa akong naiisip na magandang karugtong sorry.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

[One Shot] Isang Gabi sa Laot

[Series] Magkababata 4: Nightwatch