[Series] Ako at si Bestfriend



Para simulan ang lahat, it was past 6:00pm, kasama ko ang aking girfriend, si Shirley, noong natanggap ko ang text ni Joseph at nagulat ako sa text nya sa akin.

Pre, ayoko na.
Snabi nya skin n
my iba na sya @
ayw n n ya skin.

An srp mglas2x...

Naalarm ako sa nabasa ko. Mag-isang nakatira dito sa Maynila si Joseph kaya delikado kung mg-iisip itong magpakamataydahil walang pipigil dito kapag itinuloy nya ito. Kinausap ko si Shirley tungkol sitwasyon, na naghiwalay na nga sina  Alma at Joseph at nagtatangkang  pagpakamatay si Joseph dahil dito. Dali-dali kong pinasakay ng taxi si Shirley at hindi ko na sya mahahatid sa kanila, buti na lamang at naintindihan ito ni Shirley at pinayagan akong umeskapo sa date namin para damayan ang bestfriend ko.

Kumuha din ako ng taxi para ihatid ako sa Makati, kung saan nakatira sa isang apartment building si Joseph. Thirty minutes lang  ay nasa paanan na ako ng building at sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan kong kunin na ang sukli ko sa taxi. Syempre iniisip ko yung kalagayanni Joseph baka di ko na maabutang buhay iyon.

Ilang sandali pa ay narating ko na rin ang floor kung saan nakatira si Joseph. Kumatok ako sa pintuan nya pero walang sumasagot. Pinihit ko ang  doorknob, hindi pala nakalock ang pintuan. Pagkabukas ko ay naabutan kong madilim ang kwarto ni Joseph. Tanging ilaw lamang ng T.V. ang akin nakikita mula sa bedroom ni Joseph. Pagkakita ko kay Joseph ay nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama at kababa lamang nito ng kanyang telepono.

"Okey ka lang ba?" obvious na tanong pero wala akong ibang masabi e, Nilapitan ko sya at hinawakan ang kanyang likod,  "Pinag-alala mo ko sa text mo sakin kaya tuloy napalipd ako dito."

"Thanks pare." Niyakap nya ako ng mahigpit. Nagulat ako sa kanyang ginawa, marahil sobrang lunkot nito kaya napayakap ito sa akin kaya di na ako nagreklamo. "That was my sister, she told me to be strong, sabi nya rin sa akin na makakahanap pa ako ng iba."

"Tama ang ate mo." pagsang-ayon ko, nakawala na rin ako sa  yakap nya at nakita kong maluha-luha pa ito. "Kaya mo yan dude, its her loss not yours."

"Yun nga din sabi ng sis ko." sabi nya, "Pero pare, ang sakit e. Tatlong buwan na pala sila ng hinayupak na yon, tapos ngayon lang nya sinabi sakin na hihiwalayan nya ako. Minahal ko sya pero ito ang naging kapalit ng pagmamahal ko."

"Well some  girls are bitches nga naman." gatong ko, "At least nalaman mo ng mas maaga na shes not the right oone for you. Gusto mo bang lumabas? Nakakatakot dito sa loob ng kwarto mo."

Niyaya kong lumabas para magpahangin si Joseph  at para na rin kausapin sya. Tumungo kami ng MOA(Mall Of Asia), doon kasi kami laging tumatambay noon. Pagkadating na pagkadating namin doon ay nilibang muna namin ang aming sarili sa arcade para marelax ang utak ni Joseph. Kumain na rin kami sa isa sa mga food houses doon at pagkatapos ay pumwesto na kami sa bay side para mas  lalong mapag-usapan namin ang kanyang problema.

"So anong plano mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Siguro single muna ako, ayoko muna magkagirlfriend." sagot nya.

"E pano yan, wala ka nang sexy time." biro ko.

"Andyan ka naman e." nakisabay naman ang mokong.

"Gagu pareho tayong lalake."

"Pwede naman iyon di ba?"

"ULUL!!"

Pinagtawanan na lamang namin ang isa't isa sa mga biro at asaran na sinasabi namin. Kung saan-saan nakaabot ang aming usapan at hindi na namin namalayan na alas 12 na ng gabi. Pinapaalis na kami ng gwardya sa may bay side, bawal na daw kasi ang tumambay doon ng ganitong oras kaya naglakad-lakad  na lamang kami hanggang sa marating namin ang dulo ng bay side ng MOA. Kumpara duon sa bay side na malapit sa mall ay madilim ang parteng iyon at walang nakabantay na security guard. Doon kami umupo para ipagpatuloy ang aming kulitan. Napansin namin na hindi lamang kami ang mga tao sa lugar na iyon ng ganoong oras. May mga tatlong pares ng magkasintahan kaming naabutan duon.

"Pare, tignan mo yung nasa likod mo at sa likod ko, puro magsyota." turo nya sa akin.

"Naiilang ka pa?" sabi ko, "E di ba nga magsyota din tayo di ba?"

Matagal nang biro sa aming dalawa iyon ng mga kaibigan namin kaya kahit kaming dalawa na lang e biruan pa rin namin sa isa't isa iyon.

"Alam mo Joseph, diba sabi mo kanina sa text mo magpapakamatay ka?"

"Oo, bakit mo naman naitanong  yan?"

"Well nagpapasalamat lang ako kasi hindi natuloy yun."

"Muntik na nga  e buti na lang at tumawag ang sister ko."

"Wag ka munang magpakamatay ha, 'di pa kita natitikman e." Napatigil si Joseph sa sinabi ko. Nagkaroon ng pagbabago sa mukha nya nung snabi ko iyon, parang naging blanko bigla ang kanyang mukha na parang ewan. "Natahimik ka ata."

"Wala."

"Anong wala?" Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha hanggang sa isang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga labi. Nagulat sa aking ginawa si Joseph at hindi na nakagalaw.

Itinigil ko ang pagtukso ng halik sa kanya. Inilayo ko ang aking mukha sa kanya at sinulang tumawa, nakitawa naman ito.

"Adik ka talaga. Kinabahan ako dun sa ginawa mo." sinibi nya.

"Ano? Your heart skipped a beat ano?" biro ko.

"Loko" sabi nito, "Kala ko pa naman itutuloy mo."

"Ah ganun pala." Inilapit ko uli ang aking mukha sa kanya. This time dahan-dahan kong inilapit sa  kanyang labi ang labi ko. "Sabihin mo lang kung gusto mong tumigil ako."

Hindi na sya nagsalita at sa halip ay ipinikit ang kanyang mga mata at nangyari na nga, hinalikan ko na ng  tuluyan si Joseph. Hindi sya  pumiglas o nagpakita ng hindi padsang-ayon sa aking ginawa. Malambot ang kanyang mga labi at nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking bibig. Inilabas ko ang aking dila papunta sa kanyang bibig at binigyan nya ito ng laya. Inilabas din nya ang kanyang dila at naglaban ang dila naming dalawa.

Matapos ng isang mahaba at mainit na halik ay wala kaming nasabi. Napagkasuunduan namin doon na sa aming dalawa lamang ang nangyari at dapat walang makaalam. Hanggang doon lang kami napagpasyahan na naming umuwi pagkatapos noon at baka kung saan pa humantong ang kapusukan naming dalawa. Sumakay kami sa magkaibang taxi pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa. Medyo awkward yung naging feeling naming dalawa pagkatapos noon.

The next day ay tinext ko sya at nagsorry ako sa ginawa ko. Okey lang naman daw sa kanya iyon at sinabi pa nyang nag-enjoy sya sa ginawa namin kagabi at okey parin ang friendship naming dalawa at wala akong dapat ikabahala. Ibinalita rin  nya sa akin na mag-uusap sila ni Alma noong araw na iyon para iconsider ung relationship nilang dalawa. Martyr ang loko. Pero wala akong magagawa, hanggang payo langang kaya kong gawin at ayokong pakialaman ang buhay nya.

Ngayon ay okey naman ang dalawa kaya hindi na ulit kamin nagkikita ni Joseph. Kung ano man ang mga susunod na mangyayari sa aming dalawa e, hindi namin alam. Ang alam namin e magkaibigan kami, at hanggang doon na lang ata iyon.

Ewan ko lang sa inyo pero sa tingin ko may karugtong pa ito...

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Liked the story? You can also try Halik ng Halimaw 1 (Updated)

Comments

  1. . . . astig ng friendship nila . . .


    ang ganda ng story kahit maikli lang . .


    atleast hindi ako nakaramdam ng lungkot . . diba?


    :D


    MORE POWER!

    ReplyDelete
  2. buti hindi ka nilayuan ng bestfriend mo...ako kasi nilayuan ako eh :((

    ReplyDelete
  3. nice boi! ang ganda aman ng frendaship nila. he he he he

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

[One Shot] Isang Gabi sa Laot

[Series] Magkababata 4: Nightwatch