[Series] My Girlfriend's Brother 6 (End?)

Sa pelikula masaya kapag nalagpasan na ng bida ang mga problemang kinakaharap nya, ang ending ng istorya masaya ang bida. Pero hindi lahat ng ending ay masaya minsan may kalakip itong kalungkutan at minsan pa nga nasasadlak ito sa trahedya. Ngayong araw na ito ay tatapusin ko na ang sinimulan ko. Ang pilit na inasam na pag-ibig na mula sa una palang ay alam kong walang patutunguhan. April Fools Day noong nangyari ang nasabing pagtatapos...

Online ako sa aking computer sa bahay. Sinusulit ang natitirag panahon ng aking day off sa pagsusurf sa internet dahil ilang sandali na lang ay papasok uli ako sa aking trabaho.

Alas Siete ng gabi...

PING!

Narinig kong mayroong nagmessage sa akin sa facebook at nakita kong si Toni ito. "Uy!" pambugad nya.

"Yes?" sagot ko makalipas ang ilang minutong tinitigan  ang kanyang mensahe na pakurap kurap sa aking screen.

"Wala lang" iyon ang kanyang reply.

"Ok" hindi ko na sya pinansin makalipas ang ilang minuto dahil na rin busy ako sa pagsusurf at dahil pilit ko na rin syang iniiwasan.

"Yun lang ba talaga?" tinanong ko sya. Nalaman ko na kasi na kapag nagmessage sya sa akin ay may kailangan ito. Mula doon ay nagpaidlip idlip kami ng pagpasa ngmensahe sa isa't-isa. Hanggang sa hindi  inaaasahang pangyayari at sa kung ano mang dahilan ay naisipan kong magtapat sa kanya. April Fools Day noon at alam kong pwede kong  bawiin ang sinabi ko at sabihing biro lamang ito.

"May sasabihin ako." sinulat ko.

"Ano yun?" ang bilis ng kanyang reply.

"Secreto lang natin to a." reply  ko, " H'wag mong sasabihin sa iba lalong lalo na sa ate mo."

"Opo"

"Wag ka sanang magagalit a?"

"Okey, pakibilisan lang at magtatime na ako."

"Ay wag  na lang never mind mo na lang baka nakakaabala ako."

"Sabihin mo na kasi."

"Kailangan ng mahaba-habang oras nito."

"O ayan, nag-extend ako. O ano yung sasabihin mo?"

"Ano kasi... paano ko ba masasabi ito."

"Sabihin mo na."

"Mahirap i-explain e."

"Ano ba kasi yun."

At sinabi ko na sa kanya na gusto ko sya. Na kaya ako dumidestansya sa kanya ay dahil ayokong mahulog ng tuluyan at mas lalong masaktan. Ibinuhos ko ang aking narramdaman sa mga isinulat ko para  mabasa nya. Pero hindi ko insahan ang sagot nya.

"Hahahahahahahahaha" isang mahabang tawa ang kanyang isinagot. Siguro ay inakala nyang April  Fool's Joke l ang iyon pero sinabi kong seryoso ako.

Nagalit ako sa kanyang isinagot. Napgsabihan ko sya na kung tawa lang ang isasagot  nya ay h'wag na lamang nyang isulat at lubhang nasasaktan ako. Tinanong ko sya kung ano  ang masasabi nya pero wala suang  masabi. Tinanong pa nya ako kung ano ba daw ang gusto kong maramdman nya pero hindi ako sumagot, sinabi ko na lamang na ayokong magdesisyon para sa kanya, na matanda na sya para mag-isip.

At tuluyan ko nang ibinaon sa paglimot ang naramdaman ko sa kanya. Nasa sa kanya na kung anong gagawin nya sa kanyang nalaman pero ako I will move forward. Sinabihan ko syang wala syang dapat ipangamba, hindi ko sya hahabulin dahil kahit ako ay hindi sang-ayon sa aking nararamdaman para sa kanya. Ang napag-usapan naming ng gabing iyon ay sa aming dalawa lamang, ipinangako nya iyon sa akin at sana ay tuparin nya iyon.

Ng sumunod na araw ay bumisita ako sa kanila. Buong araw sa labas si Toni at ako naman ay buong araw na kasama si Shirley. Hindi kami nag-usap o nagtinginan man lang. Siguro ito na ang wakas ng seryeng ito. Wala na akong makitang pag-asa na magiging akin si Toni at napagpasyahan ko na ring gagawin ang lahat para mawala itong nararamdaman ko sa kanya. Siguro dahil sa sinabi ko na ang aking nadarama ay mas madali na ang lumimot. Malungkot man ang kinahatnan ay masaya na rin ako dhil wala nang bumabagabag sa kalooban ko, natanggalan na ako ng tinik sa puso ko at parang gumaan ang pakiramdam ko. Mamahalin ko na lamang si Shirley at itututok ko na lang sa kanya ng buong buo ang pagmmahal ko.

= = = = =  E N D ? = = = = =

Nag-enjoy ka ba? You can also try Anthony's Unexpected Guest.

Comments

  1. sometimes, it's better left unsaid...pero nangyari na. what is good about it is you decided to go on with your life...good luck! wish ko na sana hindi nya mabanggit ito sa ate nya...

    ReplyDelete
  2. i don't think it's the end yet.. marami pang pwedeng mangyari.

    ReplyDelete
  3. yeah... life is a never ending story but when it comes to this Im not hoping for anything na.

    ReplyDelete
  4. i think........... hindi ka na masaya... haaaayssss

    ReplyDelete
  5. Sometimes we have to really choose between:
    1) The thing that makes us happy but we think or know is wrong and may hurt other people
    2) The thing that's right for all but will take away your happiness...

    ReplyDelete
  6. there's a third option gel(the hard one).

    3.) Learn to be happy and contented with what I have.

    If sacrifices must be made then I'd be more than willing to take them. Minsan kailangan din natin ng konting hirap para maramdamang tao din tayo.

    ReplyDelete
  7. ano ba yan . . so sad nmn . . T_T


    Sometimes life isn't FAIR.

    :'(

    ReplyDelete
  8. Its okey nikkos, just pray for me nalang muna. I prefer na ganito ang kinalabasan.

    ReplyDelete
  9. kung sa akin nangyari yan it takes a years to forget...so sad ng story

    ReplyDelete
  10. yeah so sad..
    kung halimbawa man na magkakatuluyan cla ni shirley, e habang buhay n rin nya pakikisamahan c tony.. :(

    ReplyDelete
  11. Nasan yung bantutan, char - kai

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

[One Shot] Isang Gabi sa Laot

[Series] Magkababata 4: Nightwatch