Posts

Showing posts from September, 2010

[Series] My Girlfriend's Brother 2

Image
Matagal din akong nawala at ilang araw na ring hindi nabisita itong aking mumunting blog. Ang mga sumusunod ay nanyari may isang linggo nang nakalipas ulet sa bahay ng aking girlfriend. Lumalakas ang nararamdaman ko para kay Toni. Kinuwento ko kamakailan ang wari pabulong sa akin ng matamis na salita na galing sa kanyang bibig pero hindi ko man lang alam kung totoo ba un o panaginip lang kaya nag-experimento ako. Bumisita uli ako sa bahay ng girlfriend ko at nagpalipas ng gabi uli roon. Akala ko ay hindi na matutulog si Toni dahil madaling araw na ay hindi pa ito umuuwi, kasama nya noon ang mga kabarkada nya sa kanilang lugar at di ko alam kung saan nagtungo. Dahil dito ay natulog na lang ako, inaamin kong nalulungkot ako noon at wala sya sa tabi ko. Nagising ako ng siguro mga bandang alas kwatro, madilim pa kasi noon at di ko pa aninag ang pagdating ng haring araw. Lumingon ako sa aking tabi at duon tumambad and natutulog na si Toni na walang saplot pang itaas. "Tulog na