Posts

Showing posts from July, 2011

[Series] Magkababata 2: Office Break

Iyon ang pinakanaaalala ko kay ni Arthur kay Jake, nangyari iyon ilang buwan bago ang kanilang graduation sa elementarya. Ang kaibigan at kababata n'yang si Jake na pagkatapos ng kanilang graduation ay lumipad patungong America at doon na ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Dahil na rin siguro sa layo nilang dalawa ay hindi na sila nagkaroon ng panahon sa isa't-isa. Mabilis na dumaan ang sampung taon para sa kanilang dalawa. Nakapagtapos si Arthur ng bussiness management at ngayon ay nagtatrabaho sa kumpanya ng kanyang pamilya. Ganoon na lamang ang kasiyahang nadama ko ni Arthur noong natanggap n'ya ang isang mensahe sa email n'ya. "Arthur! kumusta ka na? Naaalala mo pa ba ako? Si Jake to, Jake Fuentes, ung bubwit mong kaibigan. Ayos pala at may email account ka. Nakita ko ang profile mo sa Friendster. Wala ka paring pagbabago." iyon lang ang mensahe ni Jake. Ini-scroll downni Arthur ang laman ng email at may nakalakip pa itong huling mensahe. "P.S.

[Series] Magkababata 1: Laro

Isang malamig na umaga na kahit na hindi nakabukas ang aircon sa kwarto ni Arthur. Hindi n'ya ugali ang magkumot pero dahil sa lamig ng panahon ay wala siyang choice kung hindi ang magtalukbong. Dahil na rin sa lamig na ito ay ginanahan pa itong matulog at tila ayaw nang bumangon sa pagkakahiga. "Arthur tanghali na malelate ka na sa school mo." sigaw ni Aling Myrna, ang kasambahay ni Arthur. "Andito na pala si Jake." "Papasukin mo na lang po sa kwarto ko, Nanang," 'yon ang tawag ni Arthur kay Aling Myrna. "dito na lang kamo s'ya maghintay." "Sige." wika ni Myrna. Bumaba si Myrna para sabihan si Jake na pwede na s'yang pumasok sa kwarto ng kaibigan. "Arthur?" kumatok muna ng tatlong beses si Jake bago nito binuksan ang pinto. Ani mo'y walang narinig si Arthur at nagpatuloy lang ito sa pagkakahimbing. Lumapit sa bintana si Jake at binuksan ang kurtina, mataas na ang araw at dumampi ito sa natutulog