[Series] Sago't Gulaman 1
Ilang araw pa lamang ng matapos akong grumaduate ng high school ng naisipan kong makipagsapalaran sa Maynila. Magsasaka lamang ang aking mga magulang at kulang na kulang talaga ang kinikita nila para itaguyod kaming walong magkakapatid kaya malaki ang maitutulong sa amin kung makakapagtrabaho ako roon. Tangay ang kaunti kong damit ay nilisan ko ang aming tahanan na may halong lungkot, lungkot dahil simula ngayon ay mapapawalay na ako sa aking mga magulang at mga kapatid. Inisip ko na lang na mas kailangan akong malayo para makatulong sa kanila. Pinabaon sa aking ng aking inay, itay at mga kapatid ang kanilang mga ngiti ng lumisan ako. Si Jose ay ang pinakamalapit kong pinsan, nagtatrabaho sa isang grocery store sa Maynila at doon ko balak simulan ang aking pakikipagsapalaran. Mas mapalad parin ako sa kanya dahil nakapagtapos ako ng high school, siya ay tumigil noong grade 6 pa lamang kami at pinapunta na siya ng Maynila para mamasukan. Dahil sa unang beses pa lamang akong tumungtong