Posts

Showing posts from March, 2013

My Girlfriend's Brother Wakas

Image
Ito na ang huling yugto ng kwento ko at ng kapatid ng girlfriend ko. Sa wakas at natapos na rin ang aking kalbaryo sa kapatid ng aking girlfriend na si Toni. Sorry kung medyo killjoy ang ending at walang kamunduhang nangyari, mas mabuti na siguro na ganito. Ilang buwan din akong naging lugmok at balisa dahil sa gap na namagitan sa amin. Marami ang nangyari sa mga buwan na iyon, bawat araw feeling ko ay lumalayo ng lumalayo sa akin si Toni. Ayokong mangyari iyon. Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, bago ako nagkaroon ng feelings para sa kanya, noong pawang malapit na magkaibigan ang tingin namin sa isa't isa. Nagkaroon ng girlfriend si Toni. Ilang beses ko s;'yang kinukulit na magkita kami upang pag-usapan ang tungkol sa amin at tapusin na ang lahat pero ayaw nitong makipag-usap sa akin. Dumating sa sukdulan ang lahat ng makausap ko ang girlfriend ni Toni. Alam nito ang nangyari sa aming dalawa at galit ito. Kaunting usap pa at naglabasan kami ng sama ng loob. Nangyare e

[Series] Sago't Gulaman 6

Image
Ilang mga araw na nga ba ang nagdaan mula ng ako'y huling nagpost? Ito na ang pinakahihintay ninyong karugtong ng Sago't Gulaman: -------------------------------- Napansin ni Julius na ako'y nakadilat na at isang mahabang tinginan ang namagitan sa amin. Walang bahid ng hiya ang nabanaag ko sa mukha nitong si Julius, imbes na hiya ay isang nagmamalaking Julius ang aking napagmasdan. Ngumisi lamang ito. Napansin kong napakaganda at napakaputi pala ng mga ngipin nito. "O okey na ba ang pakiramdam mo?" bati ni Julius sa akin. "Okey lang, kaya ko to." pautal kong sagot. Hinaplos ni Julius ang aking balikat at sinabing, "Kung may kailangan ka, h'wag kang mag-atubiling magsabi sa amin, magkakaibigan tayong lahat dito." Iniling ko ang aking balikat para iwaksi ang pagkakahawak sa akin ni Julius, "Okey." Kahit mahirap na bumangon dahil sa kalagayan ko ay pinilit kong umalis sa kamang kinahihigaan ko. "O saan ka p