[Series] Bakasyon ni Kenneth: One Year After 4 Si Manny
"Tahan na." nilapitan ko si Bobet at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Ayokong nakikita kang umiiyak." "Kenneth." hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi. "Wala ka man lang bang sasabihin. Mahal kita." Hindi ko sya masagot. Sa halip ay inilapit ko ang aking labi sa kanya at hindi n'ya ako binigo at sinalubong ng init ng kanyang labi ang labi ko. Isang madiin at mainit na halit iyon na puno ng makamundong pagnanasa. Pagnanasang nabuo sa pamamagitan ng pagtago ng nararamdaman sa mahabang panahon. Naramdaman ko na lamang ang panginigig ng aking hita. Ang aking cellphone ay nagbavibrate. Nabuwag ang aming halikan at tinignan ko ang aking cellphone, si Manny tumatawag. "Hello?" pambungad ko sa cellphone. "Nakakaistorbo ba ako sa lovebirds?" pangungutya ni Manny, "Ingat ka lang ha, ayokong nasasaktan ka." "Magsama nga kayo nitong si Bobet." sabi ko. Pilit namang nililihis ni Bob...