[Series] My Girlfriend's Brother 4
Merry ang pasko ko! Ang saya ng nakaraang pasko ko at muli kong nakasama sa pag-tulog si Toni. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa sa sarili ko to? Ilang araw kong tiniis na wala sya akala ko mawawala lang ng basta ung nararamdaman ko para sa kanya pero mali ako. Nung araw ng pasko ay wala akong choice kung hindi ang magstay sa bahay nila ni Shirley. Napagkasunduan kasi namin na sa kanila ako magkechristmas at sa bahay ko naman kaming dalawa magnew-new year. Kaya ayun di na ako makatanggi. Basag ang plano ko na iwasan si Toni. Ayun alas tres ng umaga e dumating ako sa gate ng bahay nila. Nagiinuman ung mga kamag-anakan nila dahil nakaugalian na kasing dun magholidays ung mga kamag-anak nila parang family reunion na rin. Of course binati ako ng mga pinsan nina Shirley, almost every year nung naging kami ay regular cast na ako sa Christmas Party nila. Unang sumalubong sa akin si Toni hawak hawak ang kanyang PSP. "SHIT!" Sabi ko sa sarili ko, "Eto na naman tayo" Kon...