[Series] My Girlfriend's Brother 3

Eto na naman ako nasusulat, marahil ito na yata and senyales na malapit na naman ako ng mawalan ng katinuan sa pag-iisip. This past few months e naging masaya ako sa kadahilanang sa bawat linggo na pagpunta ko sa tahanan nila ni Shirley ay nakakapiling ko si Toni, isang beses pa nga ay hinalikan ko sya sa labi habang natutulog sya. Hindi ko napiligan, e. E kasi mahina nga ako. Ganun pa man masaya ako, hanggang ngayun ay sariwa pa sa akin ang sandaling iyon at bawat pagkakataon na naaalala ko ay napapangiti ako.

Pero lilipas din ito, iyon ang sabi ko sa sarili ko, hindi habang buhay ay magiging katabi ko sya sa pagtulog. Kaya napag-isip-isip ko na tigilan na ang ginagawa ko kay Toni habang wala syang malay at tulog. Napagpasyahan kong tigilan na ang pagpunta sa bahay nila Shirley para makaiwas na rin sa tukso Ilang buwan na rin na hindi ko sya katabi at sa bawat araw na dumaan ay lalong bumibigat itong nararamdaman ko.

Sa bawat pagbukas ko ng messenger ko at nakikita ko syang online at kinakausap nya ako, kelan daw ako pupunta ulet sa kanila, un ang laging tanong nya sa akin. Palusot ko na lang ay nahihiya na ako sa parents nila kaya miniminimize ko an pagpunta. Namimiss nya kaya ako? Alam kaya nya ang pinaggagawa ko sa kanya habang tulog sya? Di ko mapigilan isulat na mahal na mahal ko sya sa messenger ko pero wala akong lakas ng loob na pindutin ang enter button.

Sa totoo lang, ayoko nitong nararamdaman ko, kung may gamot lang para matanggal 'to e malamang tumungga na ako. Pero wala e. Lalo lang akong nasasaktan kapag naaalala sya. Nasasaktan dahil hindi ko masabi ang nararamdaman ko, dahil takot akong mahusgahan. takot na mawala silang dalawa sa akin. takot na baka may magbago ng pakikitungo sa akin. Napanghihinaan na ako ng loob, kulang kulang na ako sa tulog. Sana mawala na tong kung ano mang nararamdaman ko at nang hindi ako ganito na nahihirapan...


Toni kung nababasa mo man ito, sana maintindihan mo. Hindi ko ginusto to kaya kung malaman mo man ay please lang, h'wag mo akong husgahan. Okey lang kahit Jejemon ka, tanggap ko yun. Kahit hindi masyadong magaling ang english mo, napapatawa mo naman ako. Hindi ko sinasabi sa iyo ito para maankin ka kundi para malaman mo lang ang saloobin ko at magkaganun man ay maranggap mo ito ng walang halong panghuhusga, kahit un lang ikakagalak ko 'yon.

Tama na nga muna 'to. sa susunood na lang uli.

===========================  

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

[One Shot] Isang Gabi sa Laot

[Series] Magkababata 4: Nightwatch