Tuesday, December 21, 2010

[Series] My Girlfriend's Brother 4

Merry ang pasko ko! Ang saya ng nakaraang pasko ko at muli kong nakasama sa pag-tulog si Toni. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa sa sarili ko to? Ilang araw kong tiniis na wala sya akala ko mawawala lang ng basta ung nararamdaman ko para sa kanya pero mali ako.
Nung araw ng pasko ay wala akong choice kung hindi ang magstay sa bahay nila ni Shirley. Napagkasunduan kasi namin na sa kanila ako magkechristmas at sa bahay ko naman kaming dalawa magnew-new year. Kaya ayun di na ako makatanggi. Basag ang plano ko na iwasan si Toni. Ayun alas tres ng umaga e dumating ako sa gate ng bahay nila. Nagiinuman ung mga kamag-anakan nila dahil nakaugalian na kasing dun magholidays ung mga kamag-anak nila parang family reunion na rin. Of course binati ako ng mga pinsan nina Shirley, almost every year nung naging kami ay regular cast na ako sa Christmas Party nila. Unang sumalubong sa akin si Toni hawak hawak ang kanyang PSP.

"SHIT!" Sabi ko sa sarili ko, "Eto na naman tayo"

Konti lang ininum ko that time dahol takot akong malasing at baka mawalan ako ng kontrol sa sarili ko at kung anu mga pagsasabi ko. Pinakatatakot ko talaga e baka maibunyag ko yung secreto kong nararamdaman kay Toni. Kasama ko si Shirley all the time si Toni naman e busy sa pag aasikaso sa mga pinsan nya na nuoy medyo lasing na.

Pinagkasya ko ang pera ko sa pang regalo ko sa panilya nina Shirley. Di ko kayang bigyan ng pamasko lahat ng kamag-anak nya, di ako ganoon ka yaman. Relo ang iniregalo ko sa kapatid nyang si Toni at natuwa naman sya sa regalo ko. Di ko sya masyadong pinapansin that time and as much as possible ay umiiwas ako.

Alas tres na noong matapos ang party. Dahil may mga bisitang makikitulog ay sa sala ako natulog at hindi sa kwarto ni Toni, kasama ko ung iba pang pinsan nila na nakabanig lang sa lapag at amoy alak pa. Dahil sa pagod ay diretso ako sa pagkatulog.

The next day ay ayaw pa akong pauwiin ni Shirley kaya napaalam sya sa parents nila na duon muna ako at the next day na ako umuwi. Noong araw na yun ay saktong wala si Toni dahil maagang umalis para huntingin ang mga ninong at ninang nya. Nanuod lang kami ni Shirley ng Movie sa may sala nila all day at kung walang nakabantay ay diretso sa kwarto nya para maka-isang "quicky". Medyo nag-enjoy ako nuon dahil matagal din kaming hindi nagkita ni Shirley dahil na nga sa pag-iwas ko sa kapatid nya.

Gabi na ng umuwi si Toni. Mayabang na binibilang ang nakulimbat nyang pera mula sa mga ninong at ninang nya. Di ko nakitang suot nya ung relos na binigay ko, sa halip e ibang relo ung gamit nya "SIGH". Nalungkot ako.

Gabi na uli noon at magkatabi kami na kami ule ni Toni. Nag-usap kami saglit pero sandali lang at nakatulog na ko, medyo pagod na rin kasi ako sa ginawa namin ni Shirley nung araw na yun. Tumagilid ako ng higa patalikod mula kay Toni. Nagising na lang ako habang naririnig ang hininga ni Toni. Napadikit sa tenga ko ang bibig ni Toni kay nagising ako at napansin kong mahimbing ang kanyang pagkakatulog kaya umandar na naman ang kamay ko. Pumiglas ako at humarap sa kanya at pinagmamasdan ko ang mukha nya habang natutulog. Hinawakan ko ang pisngi nya at dinama ang kanyang mukha. "Shit! Kahit gawin ko ito all night e di ako magsasawa" sabi ko sa sarili ko, "Sana di na dumating ang Umaga"

Pero malupit sakin ang oras, Ang bilis nya! May appointment ata. Nagulat na lang ako ng gumalaw mula sa pagkakahawak ko sa pisngi nya si Toni. Inilapit nito ang kanyang mukha palapit sa akin at nuon ay naaamoy ko na pati ang kanyang hininga. Shit! Gusto ko syang halikan pero may kung anung pwersa ang pumipigil sa akin. Habang gumagalaw si Roni ay palapit naman ng palapit ang labi nya sa labi ko... mga isang inch na lang ata e mag kakahalikan na kami ang ilong nya ay nakadampi na sa ilong ko.

Binasa ko ang mga labi ko dahil nanunuyot na ito sa kaba. Narinig kong napalunok si Toni ng dalawang beses. Mag-uumaga na rin noon at napansin kong gumagalaw galaw ang mga mata nya kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko, nag-expect ako na sya ang lumapit para halikan ako. Pero hindi nangyari yun. Narinig ko na lang ung Alarm ni Shirley sa kabilang kwarto at gumalaw ulet si Toni pero this time e palayo na sakin.

Sayang di ba? Sana ako na lang ung nagkusang humalik, pero natakot ako e.

Nung breakfast e kami lang ni Shirley at Toni ang nagsalo-salo, bumili na lang kami ng pansit bihon sa may labas. Nagusap-usap lang kami...

"Mukhang marami kang nakuhang pamasko a?" Sabi ko kay Toni "Buti ka pa, ako walang ini-expect na magreregalo sakin."

"Kawawa ka naman" sabi ni Toni.

"Kawawa pala ako ha. E, ikaw Toni anung ireregalo mo sakin tutal may pera ka na rin lang?"

"Anung gusto mo? Kiss?" tanong ni Toni...

SH*T!

===========================  

Tuesday, December 14, 2010

[Series] My Girlfriend's Brother 3

Eto na naman ako nasusulat, marahil ito na yata and senyales na malapit na naman ako ng mawalan ng katinuan sa pag-iisip. This past few months e naging masaya ako sa kadahilanang sa bawat linggo na pagpunta ko sa tahanan nila ni Shirley ay nakakapiling ko si Toni, isang beses pa nga ay hinalikan ko sya sa labi habang natutulog sya. Hindi ko napiligan, e. E kasi mahina nga ako. Ganun pa man masaya ako, hanggang ngayun ay sariwa pa sa akin ang sandaling iyon at bawat pagkakataon na naaalala ko ay napapangiti ako.

Pero lilipas din ito, iyon ang sabi ko sa sarili ko, hindi habang buhay ay magiging katabi ko sya sa pagtulog. Kaya napag-isip-isip ko na tigilan na ang ginagawa ko kay Toni habang wala syang malay at tulog. Napagpasyahan kong tigilan na ang pagpunta sa bahay nila Shirley para makaiwas na rin sa tukso Ilang buwan na rin na hindi ko sya katabi at sa bawat araw na dumaan ay lalong bumibigat itong nararamdaman ko.

Sa bawat pagbukas ko ng messenger ko at nakikita ko syang online at kinakausap nya ako, kelan daw ako pupunta ulet sa kanila, un ang laging tanong nya sa akin. Palusot ko na lang ay nahihiya na ako sa parents nila kaya miniminimize ko an pagpunta. Namimiss nya kaya ako? Alam kaya nya ang pinaggagawa ko sa kanya habang tulog sya? Di ko mapigilan isulat na mahal na mahal ko sya sa messenger ko pero wala akong lakas ng loob na pindutin ang enter button.

Sa totoo lang, ayoko nitong nararamdaman ko, kung may gamot lang para matanggal 'to e malamang tumungga na ako. Pero wala e. Lalo lang akong nasasaktan kapag naaalala sya. Nasasaktan dahil hindi ko masabi ang nararamdaman ko, dahil takot akong mahusgahan. takot na mawala silang dalawa sa akin. takot na baka may magbago ng pakikitungo sa akin. Napanghihinaan na ako ng loob, kulang kulang na ako sa tulog. Sana mawala na tong kung ano mang nararamdaman ko at nang hindi ako ganito na nahihirapan...


Toni kung nababasa mo man ito, sana maintindihan mo. Hindi ko ginusto to kaya kung malaman mo man ay please lang, h'wag mo akong husgahan. Okey lang kahit Jejemon ka, tanggap ko yun. Kahit hindi masyadong magaling ang english mo, napapatawa mo naman ako. Hindi ko sinasabi sa iyo ito para maankin ka kundi para malaman mo lang ang saloobin ko at magkaganun man ay maranggap mo ito ng walang halong panghuhusga, kahit un lang ikakagalak ko 'yon.

Tama na nga muna 'to. sa susunood na lang uli.

===========================  

Ano ito.

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Ano nga ba ang pag-ibig? Natanong ko ito sa kadahilanang marami ang pwedeng maging definition nito mostly present ito sa mga slumnotes noong tayo ay bata pa. Doon ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pag-ibig. Ang masaklap; hindi lahat ng pag-ibig ay kaibig-ibig. Minsan kahit na iisa ang nararamdaman at gaano man ito katotoo at wagas ay hindi maaari. Pero kahit ganito kagaya ng isang damong ligaw na kung saan saan tumutubo na kahit sa ilalim ng mababagsik na klima ay nananatili itong buhay. Ako po si Dim Illustria, at ito ang aking tahanan. Tuloy po kayo.