Saturday, March 9, 2013

My Girlfriend's Brother Wakas

Ito na ang huling yugto ng kwento ko at ng kapatid ng girlfriend ko. Sa wakas at natapos na rin ang aking kalbaryo sa kapatid ng aking girlfriend na si Toni. Sorry kung medyo killjoy ang ending at walang kamunduhang nangyari, mas mabuti na siguro na ganito.

Ilang buwan din akong naging lugmok at balisa dahil sa gap na namagitan sa amin. Marami ang nangyari sa mga buwan na iyon, bawat araw feeling ko ay lumalayo ng lumalayo sa akin si Toni. Ayokong mangyari iyon. Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, bago ako nagkaroon ng feelings para sa kanya, noong pawang malapit na magkaibigan ang tingin namin sa isa't isa. Nagkaroon ng girlfriend si Toni. Ilang beses ko s;'yang kinukulit na magkita kami upang pag-usapan ang tungkol sa amin at tapusin na ang lahat pero ayaw nitong makipag-usap sa akin.

Dumating sa sukdulan ang lahat ng makausap ko ang girlfriend ni Toni. Alam nito ang nangyari sa aming dalawa at galit ito. Kaunting usap pa at naglabasan kami ng sama ng loob. Nangyare e siya na ang parang naging spokesperson ni Toni. Sinabi ko sa kanya ang hangad kong mangyari, hinayag ko ang bawat sakit at pait na nadama ko at sa huli ay isang malaking tipak ng bato ang nawala sa aking likuran. Naging open din sa akin ang kanyang girlfriend at naintindihan naman n'ya ang sitwasyon.

Naging masaya ako sa kinahinatnan ng lahat. Nagkausap din kami ni Toni kasama si Shirley at tinapos na ang lahat. Ngayon ay mas okey na ang pakikitungo namin sa isa't isa, wala nang awkwardness kapag nasa isang lugar kami. Kung ano man ang mangyayari sa hinaharap ay di ko na iisipin. Sa ngayon ay masaya akong minamahal ang girlfriend ko. Isang phase lang ng buhay ko na umibig ako sa lalake, at sa kapatid pa ng girlfriend ko. Sa lahat ng aking mambabasa, salamat sa mga payo at motivation, naging malaking tulong ito sa akin. Sa wakas ay natuldukan na ang lahat. 

No comments:

Post a Comment

Ano ito.

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Ano nga ba ang pag-ibig? Natanong ko ito sa kadahilanang marami ang pwedeng maging definition nito mostly present ito sa mga slumnotes noong tayo ay bata pa. Doon ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pag-ibig. Ang masaklap; hindi lahat ng pag-ibig ay kaibig-ibig. Minsan kahit na iisa ang nararamdaman at gaano man ito katotoo at wagas ay hindi maaari. Pero kahit ganito kagaya ng isang damong ligaw na kung saan saan tumutubo na kahit sa ilalim ng mababagsik na klima ay nananatili itong buhay. Ako po si Dim Illustria, at ito ang aking tahanan. Tuloy po kayo.