Monday, August 22, 2011

[Series] My Girlfriend's Brother 8: Ng Bumisita si Toni


Ang sabi ko ay ayaw ko na nga pero bakit ganoon? Ano mang pilit kong lumayo still gumagawa parin ako ng paraan para makita lang sya, kahit napakaLAME ng excuse eh dinadahilan ko na. After a few months of rehabilitating, at since nakalipat na ako away from my family solong solo ko na ang place na tinitirhan ko ngayon. Malungkot na masaya. Malungkot dahil mahirap ang maging independent, masarap dahil worth it ang paghihirap mo. Since si Shirley lang ang bumibisita sa akin from time to time ay naisipan kong papuntahin si Toni dito sa bahay.

Dahil na rin wala na kay Shirley yung nangyari sa amin ni Toni, after na maipaliwanag ko sa kanya ang lahat ay naintindihan naman ako ng aking girlfriend kaya okey lang sa kanya ang pumunta si Toni dito, basta daw behave ako. As if naman anong kaya kong gawin no. Now its up to Toni kung pupunta sya or not.

It was my day off and the next day eh magkikita kami ni Shirley, I was planning that day na pumunta si Toni pero bigo ako. He had made appointments daw kasi sa mga kaibigan nya kaya hindi nya mapauunlakan ang paanyaya ko. Kahit I was expecting na tatanggi sya ay masakit parin iyon sa akin, balisa ako buong araw noon at ako lang mag-isa sa bahay, at least walang nakakita na nag-eemo ako.

The next day ay dumating sa bahay si Shirley. Inexplain nya na hindi na daw nakapunta si Toni dahil may lakad sila ng mga kaibigan nya kahapon. Since nakapagluksa na ako the day before eh nagmukhang okey lang ako sa tingin ni Shirley. As if na hindi apektado. Simpleng "Ah Okey" lang ang isinagot ko, alam ko naman kasi na nagpapalusot lang yung tao. Hindi ko na ilalathala ang mga sumunod na pangyayari since alam nyo naman ang ginagawa ng isang babae at lalake kapag silang dalawa lang sa isang kwarto.... basta yun na!

That day as well is nakatanggap ng text si Shirley. Si Toni, galit sa kanya, kung bakit daw hindi nya sya sinama sa bahay ko ngayon. Pumalakpak ang aking tenga ng narinig kong sinabi sa akin iyon ni Shirley. Pero hindi ako nagpahalatang masaya ako. Sinabi ko na lamang na bukas na lang sya pumunta. Tanging "hindi ako sure" ang isinagot ni Toni, malamang ayaw nya akong makasama na ako lang kaya sya magpapasama sa ate nya. Noong umalis si Shirley ng bahay that day ay ipinagdasal ko na sana ay pumunta nga sya.

The next day, hapon na ng wala parin akong marecieve na text mula kay Toni o kahit kay Shirley man lang. Hindi ko tuloy alam kung pupunta o hindi si Toni kay ahindi na ako umasa. alas tres ng hapon noong may kumatok sa aking pintuan. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin si Toni na nakangiti, hindi pa sya nagpapagupit kaya magkasing haba na kami ng buhok. Dahil naoverwhelmed ako sa aking nakita ay hindi ko napansin na kasama pala nya ang kanyang ate, si Shirley. Sinamahan pala ni Shirley si Toni na pumunta sa bahay dahil hindi pa nya alam kung paano pumunta dito, at dahil na rin wala silang pantext ay minabuti nalang nilang puntahan ako kesa itext.

Isa iyon sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko. Kahit pinipigilan ko ang damdamin ko that day ay okey lang, at least nakita ko sya. Noong gabi na ay umuwi na ang dalawa. Nakita kong todo bantay si Shirley sa kilos ko. Kahiot ganoon hindi ko naman ipinakitang apektado ako sa presensya ng kanyang kapatid.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng magtapat ako kay Toni, ngayon ay nakakapag-usap na kami na walang awkwardness kaya medyo okey na kami, hindi ko na rin pinahahalatang may paki-alam ako sa kanya, ayoko kasing isipin nya na kailangan ko sya. Sa susunod na punta dito ni Toni sana ay sya na lamang ang pumunta. Kapag nangyari iyon ay sasabihin ko sa kanya ng personal, kung gaano ko sya kamahal.

Shit yan! Tumutugma ung huli, inspired na naman ang lolo nyo.

..... Itutuloy.....

3 comments:

  1. wla pa bang katuloy to? what happened na? any updates?

    ReplyDelete
  2. kaya nga kakabitin!!

    ReplyDelete
  3. guys..totoo story na to..story to ni author...nung ep 1 palang d ba sabi nya na sya yun hehehe...so talagang matatagalan upadate nyan kasi d naman scripted yan eh hehehe

    ReplyDelete

Ano ito.

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Ano nga ba ang pag-ibig? Natanong ko ito sa kadahilanang marami ang pwedeng maging definition nito mostly present ito sa mga slumnotes noong tayo ay bata pa. Doon ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pag-ibig. Ang masaklap; hindi lahat ng pag-ibig ay kaibig-ibig. Minsan kahit na iisa ang nararamdaman at gaano man ito katotoo at wagas ay hindi maaari. Pero kahit ganito kagaya ng isang damong ligaw na kung saan saan tumutubo na kahit sa ilalim ng mababagsik na klima ay nananatili itong buhay. Ako po si Dim Illustria, at ito ang aking tahanan. Tuloy po kayo.