Sunday, September 18, 2011

[RANT] Wala na akong ganang mabuhay pa!

Joke! Mahirap talaga kapag mag-isa ka lamang sa buhay, walang katuwang, walang karamay. Nalulungkot ako sapagkat palagi na lamang akong nag-iisa. Madalas ang pagbisita sa akin ni Shirley pero maliban sa kanya ay wala na akong ibang ka-interaksyon. Hindi naman sa nagsasawa na ako sa girlfriend ko, its just that wala man lang may ganang bumisita sa akin kahit isa man lamang sa mga kaibigan ko... Hai buhay.

On a lighter note, maglalabas na naman ako ng isang panibagong istorya sa buwan na ito. Compiled short stories sya tungkol sa mga pakikipagsapalaran ni Jeremy Suarez sa makamundong daigdig. Paminsan-minsan na lamang ako kung makapagsulat ngayon dahil nauubusan na ako ng idea at sabaw na minsa ang utak ko pagkaggaling trabaho.

Kung tatanungin ninyo ako kung paano ko sinusulat ang mga kwento dito kahit wala naman akong first hand experience sa man to man sex, madali lang ang sagot dyan, sadyang malikot lang ang imahinasyon ko. Nakasave sa isang notepad document ang mga istorya ko, hindi ako nagdadraft o nagiisip ng mga future na mangyayari. Wala akong panahon sa ganoon, binubuksan ku lamang ang mga notepads na iyon kung trip kong magsulat at on the spot ang pagbuo ng kwento, kakaunting edit sa mga typo at publish kaagad. Kaya kung mapapansin nyo na marami akong typographic errors ay dahil iyan sa katamaran ko sa pageedit.

Kakaunti na lamang ako kung magsulat kasi wala ng gaanong readers itong akong mumunting blog, wala akong pinaghuhugutan ng inspirasyon kung baga. Kaya kung kaya nyo naman, kahit anonymous ay mag-iwan man lamang kayo ng kung anu-anung kuro-kuro tungkol sa aking mga naisusulat rito. Iyon laman ang hinihingi ko at masaya na ako. Consider it as your Christmas Gift to me...

Ber months na naman... malapit na ang Pasko!


4 comments:

  1. hi kuya, i like ur stories here... pls. dont stop writing great stories, i always visit ur blog f u hav new stories or cont. of ur series... just keep it up... googluck and Merry Christmass in advance.......

    ReplyDelete
  2. dont despair my friend

    ReplyDelete
  3. You have an enticing way of delivering your stories. Even the rants are nice. Hope you make this too your daily blog about anything you have in mind.

    ReplyDelete
  4. dont be sad my frend. magaganda aman story and its one way to lessen ur boredom. so pls dont stop sharing ur thoughts.

    ReplyDelete

Ano ito.

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Ano nga ba ang pag-ibig? Natanong ko ito sa kadahilanang marami ang pwedeng maging definition nito mostly present ito sa mga slumnotes noong tayo ay bata pa. Doon ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pag-ibig. Ang masaklap; hindi lahat ng pag-ibig ay kaibig-ibig. Minsan kahit na iisa ang nararamdaman at gaano man ito katotoo at wagas ay hindi maaari. Pero kahit ganito kagaya ng isang damong ligaw na kung saan saan tumutubo na kahit sa ilalim ng mababagsik na klima ay nananatili itong buhay. Ako po si Dim Illustria, at ito ang aking tahanan. Tuloy po kayo.