Tuesday, April 26, 2011

[Series] Bakasyon ni Kenneth: One Year After Prologue

Matapos ang apat na taong pag-aaral ay sa wakas natapos na ni Kenneth ang kanyang high school. Naging actibo si Kenneth sa taong ito at nagkaroon sya ng mga parangal sa kanyang paaralan. Natapos nya ang kanyang high school bilang second honorable mention sa kanyang batch, not bad since hindi naman sya ganoon katalino talagang sinipagan nya langang kanyang pag-aaral sa kanyang huling taon.

Mag-iisang taon na rin ng nagbakasyon sya sa probisya nila ni Bobet. Wala silang communication ni Bobet, ni text o mensahe man lang sa email ay wala syang natanggap mula rito. Kahit sa tingin nya ay kinalimutan na sya ng lalakeng kanyang minahal ay patuloy na naalala ni Kenneth ang mga nangyari sa kanila. Panahon na naman ng bakasyon pero walang panahon si Kenneth para maglibang dahil pinaghahandaan nito ang entrance exam sa kolehiyo at hindi na muna nya inisip na  bumalik sa probinsya ni Bobet.

Summer na naman ngunit Isang maulan na umaga ang  bumungad sa ating bida. Inayos ni Kenneth ang kanyang higaan at tumuloy ito sa banyo para maligo. Sya lang ang nasa bahay nila ngayon, ang kanyang tatay ay nasa isang wood craft convention sa may visayashabang ang kanyang nanay ay wala tuwing umaga dahil na rin kasama sya na nagpapatakbo ng business nila at nagmamanage ng store nila sa mall kaya parang napakatahimik sa malaki nilang bahay noon.

Nakahanda na ang pagkain sa mesa at sya na lang ang bahala sa sarili nya. Ganito ang buhay  ni Kenneth habang nasa Maynila at nasanay na sya rito. Narinig nya ang doorbell na tumunog pero hindi nya ito pinansin, sa isip nya ay baka ang kartero lamang iyon at may inihatid na sulat. Ilang sandali pa ay tumunog uli ito. Tangay ang hotdog sa tinidor ay tinungo ni Kenneth ang gate para tignan kung sino ito. Medyo may kataasan ang kanilang gate kaya kapag nasa loob ka ay hindi mo makiita ang nasa labas maliban na lamang kung ito ay iyong pagbubuksan.

RRRRIIIINNNNGGGG!!! Tumunog ang cellphone ni Kenneth, tumatawag ang kanyang nanay. Sinagot nya ito habang binubksan nya ang gate. Pagkabukas nya ng gate ay nagulat sya sa kanyang nasaksihan. Dahil sa hindi nya inaasahan ang nangyari ay nabitawan nya ang tinidor na hawak habang nasa bibig pa nyaat subo ang kinakaing hotdog.

"Anak, paparating dyan si Bobet ngayon, yung anak ng Tito Mike mo, yung pinagbakasyonan mo last year. Makikitira muna sya sa atin since baasyon naman. Maigi na rin yan para may kasama ka dyan sa bahay ngayong bakasyon." paliwanag ng kanyang ina mula sa cellphone nya. "Hello? Anak?  Andyan ka pa ba? Kenneth naririnig mo ba ako?"

Walang masabi si Kenneth sa dahil nasa harap na nya ngayon si Bobet na nakangisi sa kanya tangay ang kanyang mga bagahe. Ang taong matagal na nyang gustong muling makita, ang lalakeng tangi nyang inibig at tangingn inasam ng buong isang taon. Ngayon ito naman ang nagbabakasyon sa kanilang bahay.

"O ano?" sabi ni Bobet. "Alam kong namiss mo ako pero bago ka matuluyang maging bato dyan ay tulungan mo na muna ako. Isubu mo na ng tuluyan yang hotdog, Di mo ba ako patutulluyin?"

Ito ang simula ng panibagong pahina sa kwento ni Kenneth at Bobet. Ngayong si Bobet naman ang nagbakasyon sa Maynila, ano-ano kaya ang mga susunod na mangyayari sa kanilang dalawa ni Kenneth? Tutukan ang mga sumusunod na pangyayari.

++++++++++++++++++++

You can also try Bakasyon ni Kenneth 1.

1 comment:

Ano ito.

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Ano nga ba ang pag-ibig? Natanong ko ito sa kadahilanang marami ang pwedeng maging definition nito mostly present ito sa mga slumnotes noong tayo ay bata pa. Doon ako nagkaroon ng ideya kung ano ang pag-ibig. Ang masaklap; hindi lahat ng pag-ibig ay kaibig-ibig. Minsan kahit na iisa ang nararamdaman at gaano man ito katotoo at wagas ay hindi maaari. Pero kahit ganito kagaya ng isang damong ligaw na kung saan saan tumutubo na kahit sa ilalim ng mababagsik na klima ay nananatili itong buhay. Ako po si Dim Illustria, at ito ang aking tahanan. Tuloy po kayo.