[Series] Workshop Chapter 1


Meet David and Francis. Dalawang gwapo at matipunong artista. Magkasama sa isang mapusok at nakakaintrigang pelikula na kung saan katambal nila ang isa't isa...

Chapter 1

"Hi, Jeremy pala 'tol!" wika ni David habang tangan nito ang binabasang script, "Are you new here in the neighborhood?"

"ULET!!!" galit na galit na sigaw ni Boss Berns. Si Bernard Arevallo, manager ni David, "Nagbabasa ka na rin lang samaha mo naman ng konting arte. Nako, kung ganyan ka ng ganyan, mapapahiya ako sa'yo."

"Grabe ka naman Boss Berns." sagot ni David, "May isang b'wan pa naman bago ang shooting, siguro by that time, mapu-pull off ko na yung role."

"Hindi pwede sa'kin yan!" pagtutol ni Bernard, dinukot nito ang cellphone sa kanyang bulsa at dali-daling nag-dial ng numero, "Para sigurado, ngayon mismo ay ipapabook kita ng acting lessons. Kailangan mo mag-workshop..."

Walang nagawa ang binata sa gusto ng kanyang manager. Hindi n'ya ito masisi dahil pinaghirapan ng kanyang Bos Berns na makuha ang gig na ito. Ito ang magiging kauna-unahag film project ni David. Nagsimula si David sa puder ni Boss Berns bilang isa sa mga commercial models nito hangaang sa napansin ni Boss Bern na malakas ang hatak ng mga commercials projects ng alaga.

"O ayan, naischedule na kita ng session bukas na bukas agad, buti na lang at kilala ko ung magiging mentor mo at nabigyan kaagad tayo ng slot." kumuha ito ng ballpen at isinulat ang address ng workshop studio."O, ito ang address at call time. Please lang h'wag kang malelate. Umuwi ka na muna today at magpahinga ka para bukas."

"Okay, Boss Berns!" pagsang-ayon ni David. Kinuha nito ang nakasabit na jacket at bag sa inuupuan at lumabas ng opisina. Bago nito isara ang pinto ay nagpasalamat muna ito sa kanyang manager, "Thank you talaga Boss Berns, don't worry I won;t be late bukas. Bye!"

---

Sumunod na araw ay nasa isang lumang building sa gitna ng Quezon City si David, inaantay ang appointment n'ya sa kilalang mentor na si Direk Steve Uy. Inagahan nito ang call time na ibinigay sa kanya ni Bernard para maipakita nito na seryoso s'ya sa gaganapin n'yang role. 

Habang naghihintay sa reception area at napansin ni David na hindi s'ya nag-iisa. Isang lalakeng nakaupo tatlong upuan mula sa kanya, tahimik itong nagbabasa ng magazine. 

"Hmmmm? Halatang mas may hitsura naman ako sa kanya, he he." pabulong n;ya itong sinabi habang sinisipat nito ang kasabayan. Moreno, matangkad, matipuno at may hitsura. Hindi nito maipaliwanag pero namumukhaan n'ya ang lalakeng kasabay.

Habang tinititigan ni David ang kasama ay aktong tumingala ito at lumingon ka kanyang direksyon. Nagkatinginan ang kanilang mga mata at sa sandaling iyon ay napangiti si David. Itinaas nito ang kanyang kamay at ikinumpas sabay sabi ng "Hi!"

Ngiti lamang ang ibinalik sa kanya nito at bumalik ang atensyon ng lalake sa binabasa nitong magazine. 

"Gwapo sana, kaso mukhang suplado." wika ni David sa sarili. "Teka, mukhang familiar talaga ang hitsura n'ya..."

Naputol ang train of thought ni David nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at lumabas ang assistant ni Direk Steve na si Jade; "Guys sorry, Direk Steve will be with you in a minute. Please follow me, I'll let you wait on the studio na lang."

Agad na tumayo ang dalawa at sumunod kay Jade. Ginabayan nito ang dalawa sa patungo sa maliit na studio ni Direk Steve sa dulo ng hallway ng opisina. Binuksan ni Jade ang pinto at kapansin-pansin na mas maluwang ito kung titingnan sa loob. Hindi kalakihan ang studio ngunit dahil ang magkatapat sa ding ding nito ay balot ng salamin, nagmuka itong isang malaking kwarto. 

"There are chairs over there sa gilid, please wait here." itinuro ni Jade ang dalawang upuan na nasa gilid ng kwarto, pinapagitnaan ng dalawang upuan ang isang maliit na refrigerator na may pintuang see-through, makikita sa loon nito ang mga stock ng tubig at iba pang mga inumin. "Please help yourselves nalang, ha. There's water, softdrinks or iced tea sa fridge if you're thirsty."

Mabilis na lumabas si Jade at iniwan ang dalawa sa loob ng kwarto. Mukhang busy ito. Umupo sa kanang upuan si David, lumapit sa kanya ang lalakeng kasama at binuksan ang puntuan ng refrigerator. Napatingala lamang si David sa lalakeng nasa kanyang harapan. Sa malapitan ay lalong naaninag ang maamo nitong mukha.

Muli ay nagkatinginan ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito ay nagulat si David ng kumindat ang lalake sa kanya. Nagulat si David sa nangyari, hindi n'ya alam kung ano ang gagawin. Kahit na malamig ang kwarto ng dahil sa aircon ay namuo ang malalking butil ng pawis sa kanyang noo. 

"Ha ha! Are you okay, pare? Relax ka lang, ako lang 'to." tumawa lamang ang lalake at inabot ang kanyang kamay para makipagkilala, "Francis nga pala."

"Aha! I knew it ikaw nga!" napagtanto ni David kung sino ang nasa kanyang harapan...

- Itutuloy - 

---

Nabitin ka ba? Subukang basahin ang iba pa nating nakakakiliting mga kwento na makikita sa link na ito.

Comments

Popular posts from this blog

[One Shot] Isang Gabi sa Laot

[Series] Magkababata 4: Nightwatch