[Series] Bakasyon ni Kenneth 3
Hindi sumagot si Bobet sa nasabi ng kaibigan. Ngumiti lang ito at tumayo sabay buhos ng tubig sa pawisang katawan ni Kenneth.
"Ano maliligo ka ba o hindi?" wika ni Bobet. Iniabot nito ang kanyang kamay para makatayo ang kaibigan.
Nang gabing iyon ay kakausapin sana ni Kenneth si Bobet. Hindi parin maalis sa isipan nya ang ginawa nilang dalawa kanina sa paliguan. Binuksan ni Kenneth ang pintuan ng kanilang kwarto at doon ay naabutan nya si Bobet kasama ang kanyang nobya.
"Ay, sorry nakakaistorbo yata ako." pakumbaba ni Kenneth. "Mukhang kailangan ninyong dalawa ng privacy."
Hindi na nagsalita si Bobet, halatang naiilang ito sa kanya. Bumalik palabas ng kwarto si Kenneth at dahan-dahang sinara ang pintuan. Pagkasara ay napasandal sa pintuan si Kenneth pinilit nyang pigilan ang luha sa kanyang mga mata. Nasaktan siya sa kanyang nakita. Alam nyang kahit kailan ay wala syang karapatang magkaganoon kaya humakbang sya ng dahan dahan, papunta sa pintuang palabas ng bahay. Gusto nyang umalis. Gusto nyang mawala ng panandalian sa bahay na iyon.
Alas-otso na ng gabi ay tahimik na sa bayan na iyon, palibhasa kasi probinsya at wala nang tao sa labas simula alas-siyete ng gabi. Ilang minuto na ring naglalakad si Kenneth at nakakaramam na ng pagod ang kanyang mga binti. Sa isang bakanteng waiting shed nya naisipang umupo at sinimulang pagmasdan ang mga tala. Laking Maynila si Kenneth kaya hindi pa nya nakitang ganoon kaliwanag ang langit dahil sa dami ng tala.
"Ngayon ko lang napagmasdan ang mga stars dito sa probinsya." wika nito sasarili. Napabuntong hininga na lang si Kenneth at sinabi "Kung bakit kasi sa iyo lang ako lagi nakatingin, hindi ko tuloy napansin ang langit."
"Waw, lakas ng banat mo chong!" Isang lalake ang nagsalita. "Mukhang malalim ang iniisip mo, ako nga pala si Joel."
Sa tagal ng pagtitig ni Kenneth sa langit ay hindi nya napansin ang oras. Hindi rin nya napansin na noo'y pinagmamasdan din sya ng binatang si Joel. Maaninag mo pa rin kahit sa dilim ang hitsura ni Joel. Maamo ang mukha ni Joel at may malapusang mga mata na kumikislap sa dilim ng gabi. May nasa 5'6" at tamang tama lang ang laki ng pangangatawan nito. Halata sa kilos ni Joel na hindi sya tunay na lalake, medyo malamya kasi ito kung kumilos.
"Ako nga pala si Kenneth." sagot ni Kenneth sa pakilala ni Joel. "Ako yung bisita nila Mang Mike dyan sa may kanto. "Tawagin mo na lang akong Ken."
"Ahhh, alam ko na yun, Ken." masiglang sabi ni Joel, "Samin pala yung bakery malapit sa inyo kaya nakita na kita. Ang cute mo pala sa malapitan. A hi hi"
"Salamat." iyon lang ang nasabi ni Kenneth sa puna sakanya ni Joel.
"May problema ka ata, anong oras na ng gabi bakit nasa labas ka pa?
"'Wag mo na kong intindihin, okey lang ako."
"Ano ka ba. Sabihin mo na kasi. Magaling ako magpayo kaya sigurado akong may maitutulong ako sa iyo."
"Ano kasi..."
"Ano? Iluwa mo na yan, nako masamang pinipigilan sa loob ang utot, nakakamatay iyon."
"Teka, ano namang kinalaman ng utot dito?" napangiti si Kenneth.
"Nagjojoke lang, 'to naman." tumawa rin si Joel. "Tignan mo, mas cute ka pala pag nakangiti e. So, ano ba yung bumabagabag sa iyo?"
"Ganito kasi iyon, mayroon akong kaibigan lalake, tapos may nangyari sa kanila ng kaibigan nya na lalake na mayroon nang girlfriend. Pagkatapos nong nangyari sa kanila ay nasabi ng kaibigan ko na mahal nya yung kaibigan nyang lalake. Pero hindi sumagot ang kaibigan nya."
"Nako, ang hirap naman pala n'yang problema ng kaibigan mo."
"Kaya nga e."
"Sabihin mo sa kaibigan mo na 'wag na syang umasa. Marahil ay gusto lang makaexperience ng pakikipagsex sa kapwa lalake yung kaibigan nya kaya nya siguro nangyari yun."
"Sa tingin mo ganoon iyon?"
"Siguro. Nangyari na kasi sa akin yun noon." kwento ni Joel. "Halata naman diba na lalake dina ng gusto ko. Kaya ayun, tinanggapo ko ng buong buo si lalake. Umasa ako na mamahalin din nya ako pabalik pero nabigo ako. Mas pinili nya yung bruhang girlfriend nya kaysa sa akin."
"Pero mahal mo siya diba bakit 'di mo siya pinaglaban?"
"Ano ka ba? Sa tingin mo may laban ako? Puke yung kalaban ko no, kahit anong gawin ko e wala akong laban sa ganoon. Ahahahahaha."
Ilang minuto pa ay naging mas malapit sina Joel at Kenneth. Ikinuento ni Joel ang kanyang masalimuot na lovelife. Maraming natutunan si Kenneth sa pakikipag-usap nya kay Joel. Ilang minuto pa ay mas lumalim na ang gabi kaya naisapan nang dalawa na tapusin na ang pag-uusap.
"Salamat uli sa time." wika ni Kenneth.
"Pakisabi dun sa kaibigan mo na 'wag syang pamartir at kung kaya pa, nya umibig sya ng babae, yung kayang suklian ang pagmamahal nya. Sige mag-ingat ka pauwi." paalam ni Joel.
"ikaw din."
Alas-onse na ng makauwi si Kenneth, madilim na ang kwarto nila ni Bobet. Napanin nyang bukas ang pintuan kaya sinilip nya muna ito bago sya pumasok. Nakita nya si Bobet na nakahandusay sa sahig at may hawak na bote ng beer.
Dali-dali itong inakay ni Kenneth papuntang higaan. Nagtaka siya kung bakit naglasing ito, kanina lamang ay kasama nito ang kanyang girlfriend.
"Natasha, bakit mo ko iniwan?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Bobet habang lubog ito sa kalasigan. "Kuklang pa ba ako sa iyo?"
"Tahan na Bobet. Bakit kasi kung kelan wala si Tito Mike saka ka nagkakaganito." pag-aalala ni Kenneth."
Kumuha ng tubig at yelo si Kenneth para ipunas kay Bobet nang mahimasmasan angkaibigan. Hindi magkamayaw si Kenneth dahil magalaw si Bobet kapag nalasing. Sakalikutan nito ay natapon sa damit ni Bobet ang malamig na tubig. Tumahan na sa paggalaw si Bobet dahil sa natapong tubig sa kanyang katawan.
"Ayan nabasa ka tuloy." Sabi ni Kenneth
"Pasensya ka na tol, ang sakit kasi ng ginawa nya sa akin e." malungkot na sambit ni Bobet.
"Kalimutan mo na lang sya. Marami namang iba dyan e. hanap ka na lang ulit."
"Tama ka! Pero... Sino?"
Napatingin sa isa't isa ang magkaibigan. Wari'y nang-aakit ang mga mata ni Bobet at para naman natutunaw sa mga titig nito si Kenneth. Hindi na napigilan ni Kenneth ang kanyang sarili at sinunggaban ng halik si Bobet. Hindi naman nagpatalo si Bobet at lumaban ito ng halikan sa kaibigan nya.
..... Itutuloy .....

= = = = = * * * = = = = =

Ganda ng kuwento...hmmm sana may kasunod na.
ReplyDelete