[Series] Sago't Gulaman 1


Ilang araw pa lamang ng matapos akong grumaduate ng high school ng naisipan kong makipagsapalaran sa Maynila. Magsasaka lamang ang aking mga magulang at kulang na kulang talaga ang kinikita nila para itaguyod kaming walong magkakapatid kaya malaki ang maitutulong sa amin kung makakapagtrabaho ako roon. Tangay ang kaunti kong damit ay nilisan ko ang aming tahanan na may halong lungkot, lungkot dahil simula ngayon ay mapapawalay na ako sa aking mga magulang at mga kapatid. Inisip ko na lang na mas kailangan akong malayo para makatulong sa kanila. Pinabaon sa aking ng aking inay, itay at mga kapatid ang kanilang mga ngiti ng lumisan ako.

Si Jose ay ang pinakamalapit kong pinsan, nagtatrabaho sa isang grocery store sa Maynila at doon ko balak simulan ang aking pakikipagsapalaran. Mas mapalad parin ako sa kanya dahil nakapagtapos ako ng high school, siya ay tumigil noong grade 6 pa lamang kami at pinapunta na siya ng Maynila para mamasukan. Dahil sa unang beses pa lamang akong tumungtong sa Maynila ay naligaw-ligaw pa ako, gabi na ng nakarating ako sa grocery store kung saan nagtatrabaho ang pinsan ko. Tiyempong nasa labas noon ng grocery si Jose, nagulat ako ng makita ko ang kalagayan nya ngayon, malaki ang kanyang pinagbago mula ng huli ko siyang makita. Ang dating lalampa-lampa kong pinsan noon ngayon ay 'sing tigas na ng bato ang katawan, halatang banat ang katawan sa trabaho. Maganda at matikas ang hubog ng kanyang katawan at nagmature ang kanyang hitsura, sa laki ng pinagbago ni Jose ay kamuntikan ko nang hindi makilala ang pinsan ko. Nilapitan ko sya para surpresahin...

"Jose? Ikaw na ba yan?" tanong ko habang busing-busy ito sa pagpapile ng mga kaha ng softdrinks.

Nang lumingon si Jose ay napaisip pa ito kung sino ako, malamang hindi na rin nya ako makilala dahil sa tagal naming hindi nagkita. Di nagtagal ay nakilala na rin nya ang kanyang pinakamamahal na pinsan. "Tobias! Anong nangyare at napaluwas ka?"

"Kararating ko lang galing sa atin, gaya mo gusto ko ring makapagtrabaho dito sa Maynila." paliwanag ko.

"Ah, ganoon ba?" natuwa ito nang makita ako, "May matutuluyan ka na ba dito?"

"Wala pa nga e." sabi ko, "May alam ka bang naghahanap ng katulong?"

"Naku insan problema yan. Wala akong alam eh." sagot nito, "Ganito na lang, papakilala kita sa amo ko baka may alam sya."

Ipinakilala ako ni Jose kay Mr. Marlon Cheng ang kanyang among intsik at mga anak nito, may katandaan na ito pero may hitsura pa rin. Hiwalay ito sa asawa at kasama nito ang kanyang dalawang anak na lalaking si Steven at si Zoren.

Si Steven ang pinakamatanda sa dalawa at isa syang dealer ng kotse, mapapansin mo ang matipunong katawan ni Steven at ang makinis nitong kutis. Si Zoren naman ay nasa kolehiyo pa lamang at kung ikukumpara mo sa kanyang kuya ay mapayat ito at medyo maliit ng kaunti pero pareho sila ng kutis malamang hindi nagpapaaraw ang dalawang ito.

Mabait ang kanyang mga amo ni Jose at dahil sa wala pa akong mapupuntahan ay pinatira muna nila ako ng gabing iyon sa bahay nila. Isang masarap na hapunan ang inihain sa akin ng pamilya ng amo ni Jose, sabay sabay kaming kumain sa hapag kainan dahil iyon ang gusto ni Mr. Cheng, pantay pantay ang tingin nya sa lahat kaya kasabay nitong kumain ang kanyang mga kasambahay at mga anak. Matapos ang hapunan ay dumiretso na ako sa kwarto kung saan tumutuloy si Jose at dahil na rin sa pagod ay nakatulog ako kaagad. Si Jose naman pagkatapos akong ihatid sa kanyang kwarto ay bumalik ng kusina para magligpit ng kinainan namin. Nagising na lamang ako ng tumabi na sa aking pagtulog si Jose, sa pag-aakala noya ay tulog na ako kaya di na sya nagsalita pa.

Nang nagising ako sa pagtabi ni Jose ay hindi na ako makatulog. Hindi ko na kinausap si Jose dahil baka natutulog na ito at maistorbo ko pa siya kaya tinignan ko nalang ang kisame inaasahang maya-maya ay makakatulog ako ulit. Ilang minuto ang nakalipas ay may narinig akong katok sa pintuan. Dahan-dahang bumangon si Josd at pinagbuksan ito. Si Zoren ito, may kung anong pinag-uusapan ang dalawa at di nagtagal ay pinapasok sya ni Jose.

Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Pagkasara ng pintuan ay sabik na sabik na isinandal ni Zoren sa likod ng pinto si Jose at diniinan ito ng halik. Sa harap ko ay nagsisimulang makipagtalik ang anak ng kanyang amo at ang pinsan ko. Ngayon ko lang naranasang makasaksi sa pagniniig ng dalawang lalaki at sa kung anong dahilan ay sinimulan akong tigasan sa mga nakikita ko. Lumuhod si Zoren sa harap ni Jose at walang kaabog-abog na isinubo ni Zoren ang malaking ari ni Jose...

... Itutuloy...

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

[One Shot] Isang Gabi sa Laot

[True Story] Ang First Time Ko 1 by DC